Handang handa na kami sa larong ito dahil kapag nanalo kami dito ay makakatungtong na kami sa finals laban sa first year.
Mainit ang first quarter sa first five namin na nalamangan nila agad ng malaki ang thomas dahil sa mga tres ni syot.Natapos ang 1st quarter at lumamang ang aming koponan sa score na 15-6.
Nagsimula na ang 2nd Quarter kasama ang second five at sa quarter na ito ay minalas kami na konti lamang ang pumasok sa tira namin.Natapos ang 2nd Quarter at lumamang na ang thomas.
Sa 3rd Quarter ay mas lumaki pa ang kalamangan nila.At pagsapit ng 4th quarter nagawa pang maibaba ang lamang ngunit sa huli ay wala na rin natalo kami sa kalamangan nilang 3 puntos.
Natalo nga kami pero nag enjoy naman kami.Siguro malas lang talaga ang araw na iyon para samin.
Di pa naman natatapos ang lahat mayroon pa kaming isang pagkakataon dahil kami ang nakakuha ng twice to beat at sa susunod na paghaharap ay lalo pa naming pagsisikapan na manalo at gawin ang lahat.